The NeckRomancer (episode 1)

Sa isang lungsod sa may Kalakhang Maynila kung saan parang hindi napapagod ang gabi, sa isang madilim na kanto na kung mapapadaan ka ay maaari kang makakuha ng panandaliang aliw, may isang kapansin-pansin na babae na kakaiba ang ganda—kaputian na mahirap ikumpara sa iba, mukhang nakakaakit para sa mga hindi tagaroon dahil mukha s’yang banyaga, simple lang ang kanyang pananamit sa kanyang itim na bestida na hindi naman maiksi pero makikita mo pa rin sa kanya ang nakakaakit na tindig.

“Looking for some fun tonight?” may isang lalakeng nakakotse na huminto sa tapat niya, mukha ring banyaga.

Ngumiti lang ang babae, isang ngiting nakakaakit at parang pilyang ngiti rin saka s’ya at tumango.

“For how much?” hindi na nagpaligoy-ligoy ang lalake.

“Your soul,” matipid na sagot ng babae.

Napamaang ang lalake at napakunot-noo pero ngumiti lang ang babae.

“Hahaha!” natawa na lang ang lalake. “You’re funny. C’mon name your price.”

“Just take me wherever you want,” muling sagot ng babae. “You don’t need to worry about the price, for you I’m free.”

“Then what are you waiting for?” at binuksan ng lalake ang pinto ng kotse at pinasakay ang babae.

Seryosong nagmaneho ang lalake, hindi nililingon ang babae pero halatang nagmamadaling makarating sa patutunguhan nila. Maya-maya ang babae ay pinagapang ang kanyang kamay sa binti ng lalake paakyat.

“Can’t wait huh?” sandali lang nilingon ng lalake ang babae at seryoso talaga s’ya sa pagmamaneho.

Mabilis silang nakarating sa isang mamahaling hotel. Sandali lang ay nasa magandang kwarto na agad sila. Pagpasok ng kwarto ay parang mauubusan ang babae, ‘di na agad ito nag-aksaya pa ng oras at dali-dali n’yang tinanggal ang pagkakabutones ng polo ng lalake at s’ya pa mismo ang nagtutulak sa lalake sa kama.

“It seems that you’re very hungry,” sabi ng lalake na ngingisi-ngisi na lang at ine-enjoy ang ginagawa sa kanya ng babae.

“Yes, I’m really hungry,” at dinilaan ng babae ang dibdib ng lalake pati ang magkabilang utong paakyat sa leeg.

“Hmmmm… You’re great,” at inabot na niya ang magkabilang suso ng babae. Kahit natatakpan ng bestida ‘di mapagkakailang malaki ang suso ng babae at pinanggigilan niya agad ito ng lamas at pisil.

Inabot naman ng babae ang zipper sa may pantalon ng lalake at parang hayok na nagmamadaling lumuhod ang babae sa harapan nito at pagkalabas na pagkalabas ng titi ng lalake ay agad niya itong isinubo, sagad sa lalamunan.

“What a cock hungry slut! Aaaahhhh!” napasigaw na lang ang lalake sa husay ng babae. “What a mouth!”

Mabilis ang pagtaas-baba ng ulo ng babae sa titi ng lalake. Naroon pang dilaan nito ang bayag ng lalake. Hindi naman maiwasan ng lalake ang mapaungol sa sarap.

Humagod na ang dila ng babae papaakyat, mula sa titi ng lalake sa tiyan, sa dibdib at balik na naman sa leeg kasama pa ang pagdila sa tenga. Habang dinidilaan ng babae ang lalake ay mabilis naman na nagtataas-baba ang kamay nito sa tigas na tigas na titi ng lalake.

“Yeah baby, you’re such a slut,” libog na libog na sabi ng lalake.

“I’ll make you cum that you never did before,” sabi ng babae na nakatitig sa mata ng lalake habang hinahalik-halikan ang leeg ng lalake.

“And I’ll…” hindi na natapos ng lalake sa sasabihin n’ya, “Aaaaaahhhhhhh…”

Isang mahabang ungol ang pinakawalan ng lalake na parang sigaw na kung maririnig mo ay parang magkahalong daing ng nasasaktan at nasasarapan.

Kinagat ng babae ang leeg ng lalake. Makikitang bumaon ang pangil ng babae na ngayon lang humaba ng ganoon. Agos ang dugo ng lalake sa leeg habang sinisipsip pa ng babae. Sa aktong pagsipsip naman ng babae sa dugo ng lalake makikita mong tirik na tirik ang mata ng lalake, tumutulo ang laway mula sa bibig at naninigas ang binti. Hawak lang ng babae ang titi ng lalake pero patuloy sa pagsirit ang tamod ng lalake; nilabasan ng todo ang lalake na
napapakapit pa sa kobre-kama at patuloy sa pag-ungol.

 

 **************************************************************************************************************

 

“Ayon sa mga nakagat na ng mga bampira na nakaligtas at nabuhay, ibang sensasyon daw ang dulot nung sipsipin ng bampira ang kanilang dugo. Isang sensasyon daw ito na maikukumpara sa pag-orgasmo kapag nakipagtalik ka…” saglit na natigilan ang guro, “hinde, ang sensasyon na ‘yon ay higit pa sa pag-orgasmo. Masnakaka-adik pa s’ya sa sex.”

“Sir, eh nakagat na ba kayo ng bampira?” biglang tanong ng isang estudyante, si Alex, ang pinakamausisang estudyante sa klaseng ‘yon.

“Sa tagal naman po siguro n’yo sa ganyang trabaho nakagat na kayo ng bampira,” singit ng isa pang estudyante, si Clive, ang tinuturing na isa sa mga henyo ng klase. “Ganoon nga po ba talaga ang pakiramdam?”

“Kung ganoon ang pakiramdam eh ‘di magpapakagat na lang pala ako,” sabi pa ng isa, si Gordon, ang mukhang pinakapilyo sa lahat, at nagtawanan ang karamihan.

“Hindi mo alam ang sinasabi mo!” sigaw ng guro. “Paano kung isang nasa eternal bloodline na bampira ang makakagat sa ‘yo?”

“Sir, nagbibiro lang naman po ako,” depensa ni Gordon.

“Huwag n’yong gagawing biro ang pagpapakagat sa bampira,” galit pa rin ang guro.

Sandaling nanahimik ang buong klase. Walang umiimik. Pero may isa yatang sadyang papansin.

“Pero Sir, nakagat na nga ba kayo ng bampira?” tanong ulit ni Alex.

Parang nabigla ang guro. Halatang nag-aabang naman ng sagot ang mga estudyante n’ya. Tahimik ang lahat.

Bigla namang tumunog ang bell.

“Bukas na lang uli,” nakaligtas sa panggigisa ang guro. “Basahin n’yo ang nakatakda n’yong aralin, ang mga iba pang epekto ng kagat ng bampira sa tao at maging sa kapwa nila bampira.”

 

**************************************************************************************************************

 

“Malamang si Sir Espada nakagat na ng bampira ‘yun,” walang kaabog-abog na sabi ni Gordon.

“Kung nakagat nga s’ya, anong bampira kaya nakakagat sa kanya?” hirit ni Clive. “Baka naman naging bampira rin s’ya kaya ganoon na lang reaksyon n’ya nung tinanong s’ya ni
Alex.”

“Mas-interesante ako doon sa pakiramdam kapag nakagat ka raw ng bampira,” sagot ni Gordon.

“Sige, sa field work natin kapag nakakita tayo ng bampira itatali ka namin para pagpiyestahan ka nila at saka mo sabihin sa amin kung ano ang pakiramdam,” kantyaw ni Alex at nagsitawanan sila maliban sa isa sa grupo.

“Jelo, angtahimik mo yata, may problema ba?” tanong ni Gordon sa kasama. “Sa klase rin kanina parang patay na bata ka.”

Umiling lang si Jelo.

“Parang angtamlay mo ah,” singit pa ni Clive, “Ganyan ka na last week pa after ng birthday mo.”

“Baka naman frustrated ka lang masyado kasi eighteen ka na virgin ka pa rin,” sabay akbay pa ni Gordon kay Jelo. “Dapat kasi sumama ka sa amin sa patay-sindi para mabinyagan ka na.”

“Uuwi na nga ako,” at tinabig ni Jelo ang kamay ng Gordon. Tumayo na ito sa kinauupuan at lumakad paalis.

“Kita mo ‘yang ginawa mo,” inis na sabi ni Clive sa kasama. “Alam mo na ngang parang problemado ‘yung tao binanatan mo pa ng ganon.”

Pilit namang hinabol ni Alex si Jelo.

“Hindi ka na ba sasama sa silver shop para sa assignment natin?” ‘di pa man n’ya inaabutan si Jelo.

“Hindi na. May makikita naman ako sa amin malamang,” sagot ni Jelo na diretso lang sa paglalakad na ‘di na nililingon ang kaklase.

Agad pumara ng taxi si Jelo.

“Boss sa Antipolo tayo, Cogeo.”

 

**************************************************************************************************************

 

Nasa isang bundok malapit sa isang kakahuyan ang bahay ni Jelo. Isang malaking bahay na kung iisipin ay napakalaki para sa isang tao lang.

Ulila na si Angelo Belmont Cross, maskilala sa tawag na Jelo ng mga kaklase n’ya. Kabilang s’ya sa isang angkan ng mga vampire hunter. Namatay ang mga magulang n’ya nang sumiklab ang Crimson War, ang digmaang tao at bampira.

Bagamat ulila na malaki naman ang naiwan ng mga magulang n’ya sa kanya, isang malaking bahay at malaking bank account. May sustento rin sa kanya ang organisasyon ng mga vampire hunters kaya wala s’yang problema sa buhay n’ya.

Marami lang s’yang tanong sa sarili n’ya na kahit ang mga iba pang vampire hunters na nag-alaga sa kanya ay ‘di masagot-sagot. Kahit ayaw n’ya ring maging vampire hunter wala s’yang mapagpilian dahil vampire hunter ang mga magulang n’ya at mga vampire hunter rin ang sumosuporta sa kanya.

Pagdating n’ya ng bahay ‘di na n’ya nagawang magpalit ng damit na pambahay; naka-uniporme pa rin s’ya. Hindi na rin n’ya nagawang kumain ng hapunan; hindi s’ya nagugutom. Parang may gumugulo sa isip n’ya. Iba rin ang pakiramdam n’ya pero hindi n’ya maintindihan.

Pupunta na sana s’ya ng kwarto n’ya nang may marinig s’yang ingay sa labas—ingay ng mga tao, putok ng baril at sirena na para sa mga bampira.

“May nakapasok na bampira sa village namin?” takang tanong niya sa sarili niya. “Anglakas naman ng loob ng bampirang ‘yon.”

Hindi na lang niya pinansin ang ingay sa labas. Sa isip n’ya mahuhuli rin ‘yon at imposibleng makatakas ‘yon sa lugar nila. Ngunit bago pa man s’ya makapasok sa silid n’ya may nakita s’yang kakaiba sa may pinto, medyo nakaawang na ‘di naman n’ya ugaling iniiwang bukas.

“Shit! Mukhang may nakapasok sa bahay ko,” sa isip n’ya at agad niyang nilabas ang pilak na punyal n’ya na pamana raw sa kanya ng ama n’ya. “Bampira o tao ka man yari ka sa akin.”

Kahit ayaw niyang aminin sa sarili n’ya kumakabog ang dibdib n’ya sa kaba dahil hindi pa n’ya nagagamit sa totoong buhay ang mga natutunan n’ya sa paaralan, lalo na ang pakikipaglaban, tao man o bampira. Dahan-dahan n’yang binuksan ang pinto. Patay ang ilaw sa loob tulad ng iniwan n’ya at wala namang nabago sa ayos ng kuwarto. Sa isip-isip rin n’ya wala rin naman din s’yang napunang naiba sa bahay nang dumating s’ya kanina.

Binuksan n’ya ang ilaw pagbukas ng pinto. Sa may sulok may nakita s’yang parang anyo ng tao, o bampira.

Nang lapitan n’ya nakita n’ya ang isang babae na sa tingin n’ya ay kaedad lang n’ya. Mahaba ang buhok ng babae na natatakpan ang mukha nito. Nakaupo ito sa sulok na parang nangangatog sa takot, nakatungo, nakayapak at isang malaking t-shirt lang ang suot.

Iniangat ng babae ang mukha n’ya nang maramdaman nito ang presensya ng taong papalapit sa kanya. Maamo ang mukha ng babae pero halatang takot na takot.

“Huwag n’yo po akong papatayin. Hindi po ako isang eternal blood,” halos naiiyak na sabi ng babae kay Jelo lalo na nang makita nito ang tatak sa uniporme n’ya ang logo ng Sunrise
Academy.

“Shit! Bampira nga,” sabi ni Jelo sa sarili pero nawala na ang kaba sa dibdib n’ya sa itsura ng babaeng nasa harapan n’ya. Pero naging alerto pa rin s’ya. Baka palabas lang ‘to ng bampira para makagat s’ya. Inisip din n’ya kung ano nga ba ang palatandaan ng isang eternal blood. Una n’yang pinuna ang pangil ng dalaga, nakalitaw ito. Ang mga mata naman ay katulad ng sa isang normal na tao, hindi puti na katulad ng isang eternal blood. Sapat na ‘yon para mapatunayan n’yang hindi eternal blood na bampira ang dalaga.

Pero kung hindi man eternal blood ang nasa harapan n’ya maaaring delikado pa rin s’ya kung black widow vampire ang isang ‘to. Ayaw naman n’ya yatang mamatay nang maaga.

“Ginoong Cross nariyan na po ba kayo?” narinig niyang tawag mula sa labas ng bahay niya.

“Malamang ito ang hinahanap nilang bampira,” bulong ni Jelo sa sarili. “Angmalas ko naman na sa bahay ko pa napadpad ang bampirang ‘to.”

“Maawa ka sa akin ginoo, ‘wag n’yo akong ibibigay sa kanila,” pagmamakaawa ng dalaga sa kanya. Lumuluha na ito at nakatinging mabuti sa kanya.

“D’yan ka lang,” tugon ni Jelo sa dalaga at iniwan n’ya ito sa kwarto at kinandado ang silid at mabilis na tinungo ang pinto sa labas para harapin ang mga naghahanap sa kanya.

“Magandang gabi Ginoong Cross,” bungad sa kanya ng lalakeng may edad na kasama ang isang grupo ng mga armadong lalake, “May hinahanap po kaming bampira na naglakas loob na pumasok sa pamayanan natin.”

“May nakita ka bang dumaan dito lang sa may lugar n’yo?” singit ng isa. “Isa s’yang eternal blood. Kailangang mahuli agad s’ya bago pa s’ya makapangbiktima.”

“Wala po akong nakikitang eternal blood dito,” diretsong sagot niya.

“Kung may makita ka ipagbigay-alam mo lang agad sa amin,” payo sa kanya ng kaharap n’ya. “Alam mo naman kung paano kami tatawagan. Mag-iingat ka.”

“Opo,” mabilis na tugon n’ya.

Nagmamadaling umalis ang grupo ng mga vampire hunter. Nakahinga naman ng maluwag si Jelo. Hindi n’ya alam sa sarili n’ya kung bakit hindi n’ya tinuro ang dalagang bampira sa bahay n’ya.

“Hindi naman ako nagsinungaling sa kanila ‘di ba,” sabi n’ya sa sarili n’ya. “Sinagot ko lang ang tanong nila. ‘Di ko lang sinabi lahat pero hindi naman ako nagsinungaling.”

Dali-dali n’yang sinara ang pinto ng bahay at nagmamadali s’yang bumalik sa kanyang silid. Nakahinga lalo s’ya ng maluwag nang makita n’yang nandoon pa rin ang dalaga kung saan n’ya iniwan pero makikitang maskalmado na ang babae.

“Nakaalis na sila,” sabi ni Jelo na sa tingin n’ya ay makakaalis na ito sa takot sa mukha ng dalaga.

“Salamat,” tugon ng dalaga na medyo maaliwalas na ang mukha.

 

Nilapitang maigi ni Jelo ang dalaga. Umupo s’ya malapit sa kinauupuan nito. Hindi n’ya inaasahang ganito kaganda ang bampirang ito. Sa tingin n’ya ay parang ngayon lang s’ya nakakita ng ganoong kagandang dilag, lalo na at isang bampira pa.

“Maraming salamat po talaga ginoo” muling nagsalita ang dalaga at inangat nito ang laylayan ng t-shirt nito para punasan ang sariling luha. At sa pag-angat ng laylayan ng damit nito kita agad ang maputing hita nito, ang makitid na baywang at lapat na tiyan, napakakinis na balat at higit sa lahat ang manipis na kulay puting panty.

Hindi maiwasan ni Jelo na mapatingin pero inilayo n’ya agad ang mata n’ya sa nakita. Bigla na naman s’yang kinabahan.

“Ano nga pala ang pangalan mo?” tanong ni Jelo at tumayo na agad s’ya para maiwasan n’ya ng tingin ang kausap pero ‘di pa rin n’ya maiwasang sumulyap.

“Cassandra po,” mahinang sagot nito sabay tingala kay Jelo.

Tumingin naman muli si Jelo sa bampirang nasa harapan n’ya. ‘Yon ang unang pagkakataon na nakakita s’ya ng bampira ng harapan ng malapitan. Iyon din ang unang pagkakataon na
nakakita s’ya ng katawan ng isang babae na halos hubad na sa kanyang harapan. Hanggang ngayon naglalaro pa rin sa isip n’ya at kung ano ang pumasok sa kokote n’ya at ‘di n’ya ito itinuro sa mga vampire hunter ng lugar nila.

“Cassandra,” mahinang bulong n’ya sa sarili n’ya. “Teka, ano nga bang gagawin ko sa ‘yo ngayon?”

Itutuloy